CHR, suportado ang NCIP sa imbestigasyon sa umano’y bentahan ng ancestral land sa Davao Region

Inihayag ni Atty. Jacqueline Ann de Guia, tagapagsalita ng Commission on Human Rights (CHR) na suportado ng ahensya ang ginagawang pag-imbestiga ng National Commission on Indigenous People (NCIP) laban sa umano’y talamak na bentahan ng ancestral lands sa loob ng ancestral domains sa Davao Region.

Iginiit ni De Guia na ang ancestral lands ay karugtong sa kultura at pagkakilanlan ng mga Indigenous People.

Sinabi rin nito na ang pagbibigay ng proteksyon sa kanilang property rights ay mahalaga para sa kanilang physical at cultural integrity.


Base sa NCIP Administrative Order No. 1 series of 2020, ang ancestral domains ay pribado pero community property ng Indigenous Cultural Communities o ng Indigenous People kaya hindi ito pwedeng ibenta, itapon o sirain.

Ayon kay De Guia, sinusuportahan ng CHR ang mga programa ng pamahalaan na nagtutulak ng kaayusan sa komunidad habang tinutugunan ang mga kaso na may kaugnayan sa human rights.

Facebook Comments