Suportado ng Commission on Human Rights ang resolusyon ng UN General Assembly sa katatapos na 74th session nito na nanawagan sa lahat ng member states nito na kilalanin at palakasin ang kanilang mga National Human Rights Institutions.
Simula pa noong1999, napanatili ng CHR ang A-status accreditation nito dahil sa istriktong pagsunod sa mga United Nations Paris Principles.
Ito ang standards na nagtatakda ng minimum requirements para epektibong makapag operate ang mga National Human Rights Institutions.
Mula sa 193 UN member states, tanging 79 na bansa lamang ang mayroong national human rights institutions.
Kinikilala ng ahensya na ang kolaborasyon sa ganitong mga human rights bodies ay makakapag ambag ng Tulongcan sa mga investigations at mga joint advocacy para sa reporma sa mga batas at polisiya.