Ikinalugod ng Commission on Human Rights (CHR) ang pag-aksyon ng Korte Suprema para depensahan ang mga abogado at hukom na nakatatanggap umano ng mga panggigipit at pananakot.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, napapanahon na may malakas na boses na maririnig ang publiko.
Mahalaga aniya ang papel ng mga abogado at mga hukom sa paglalabas ng katotohanan sa isyu ng mga human rights violation.
Pero, hindi aniya sapat na magsalita ang mataas na hukuman.
Dapat aniya ay sabayan ito ng pagpapakita ng gobyerno at ng mga law enforcers ng kahandaang protektahan ang buhay ng bawat indibidwal.
Facebook Comments