CHR, tiniyak sa Kamara na walang direct participation ang komisyon sa “war on drugs investigation” ng ICC

Itinanggi ni Commission on Human Rights (CHR) Chair Chito Gascon na walang direktang partisipasyon ang kanilang tanggapan sa napipintong imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa war on drugs ng Pilipinas.

Aniya, batay sa mga nakalipas na imbestigasyon ng ICC sa ibang mga bansa na mayroon ding human rights institution ay minimal o halos wala namang interaction o paghingi ng tulong para sa alinmang imbestigasyon.

Sa ngayon ay wala pa naman aniya silang natatanggap na request mula sa naturang organisasyon.


Pero tiniyak ng opisyal na sakaling magpadala ng formal communication ang ICC para sa kinakailangang impormasyon ay handa silang makipagtulungan.

Samantala, umapela ang CHR sa Kongreso na madagdagan ang kanilang pondo para sa 2022.

Hirit ng CHR, maibalik ang P153.5 milyon sa natapyas na budget dahil P867.251 milyon lamang ang inaprubahang budget ng Department of Budget and Management (DBM) para sa komisyon, mas mababa sa original proposal na P1.614 bilyon.

Facebook Comments