CHR, tiwala sa pangunguna ng PDEA sa war on drugs

Manila, Philippines – Malaki ang paniniwala ng Commission on Human Rights na papairalin ng PDEA ang pagiging professional sa kampanya ng gobyerno kontra sa iligal na droga.

Kung maalala, kaliwat kanan ang bumubulagta noong PNP ang nangunguna sa war on drugs at kaliwat kanan din ang sumbong na nakakarating sa tanggapan ng CHR.

Ayon kay Atty. Jacqueline De Guia taga-pagsalita ng CHR, naniniwala sila na sumunod ang PDEA sa rule of law at irerespeto ang due process kaugnay sa pagsasagawa ng operasyon, inspection at pag aresto sa mga suspek.


Umaasa naman ang CHR na tutulong ang PNP sa giyera kasama ang PDEA para mapuksa na ang pagkalat ng salot na bawal na gamo

Lumalabas na kakaunti lang ang miyembro ng PDEA habang daang libo naman ang pwersa ng PNP.

Facebook Comments