Umaasa ang Commission on Human Rights (CHR) na magiging bukas si incoming Philippine National Police (PNP) Chief Major Gen. Debold Sinas sa kanilang pagbabantay sa anumang human rights violations.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, inaasahan nila na magkakaroon ng tunay na pagtutulungan ang PNP at CHR sa imbestigasyon ng mga HR violations.
Aniya, dapat maging determinado si Sinas sa pagpaparusa kung mismong mga tauhan niya ang nadadawit sa mga paglabag.
Hamon ni De Guia kay Sinas, simulan ang trabaho niya sa paglilinis sa hanay ng pulisya na sangkot sa mga tiwaling gawain.
Handa naman ang CHR na ibigay ang kooperasyon sa PNP sa pagbibigay ng mungkahi sa kongretong aksyon sa pagtatanggol sa human rights.
Facebook Comments