CHR, umaasang mapoprotektahan ang mga mamamahayag sa tulong ng “Media Security Vanguards” ngayong 2022 elections

Umaasa ang Commission on Human Rights (CHR) na masisiguro ang proteksiyon ng mga mamamahayag sa 2022 elections ngayong nagtalaga na ng “Media Security Vanguards”.

Ayon kay CHR spokesperson Jacqueline de Guia, suportado nila ang pagtatalaga ng Philippine National Police ng halos 1,900 nilang tauhan upang maging Media Security Vanguards ngayong 2022 elections.

Sa pamamagitan aniya nito ay mababawasan na ang mga karahasan laban sa media workers lalo na’t hindi madali ang kanilang mga kinakaharap na problema habang nasa trabaho.


Sinabi pa ni de Guia na sa mga nakalipas na taon ay maraming mamamahayag ang nakatanggap ng banta sa buhay at ang ilan pa ay pinaslang na isang malaking dagok sa press freedom.

Samantala, kapag nakatanggap ng banta ang isang media worker ay maaari silang makipag-ugnayan sa pnp para sa kanilang seguridad.

Facebook Comments