CHR, umalma sa biro ni PRRD tungkol sa COA

Manila, Philippines – Umalma ang Commission on Human Rights (CHR) sa biro ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat dukutin at i-torture ang mga auditor ng Commission on Audit (COA).

Ayon kay CHR spokesperson Jacqueline Ann De Guia, seryosong banta ang kidnapping at torture.

Giit pa ni De Guia, hindi dapat makaapekto ang pahayag ng Pangulo sa pagbabantay ng COA sa kung paano ginagastos ng pamahalaan ang pera ng taumbayan.


Sabi naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nagpapatawa at nagpapakasutil lang ang Pangulo.

Matatandaang noong nakaraang taon, binatikos din ng Pangulo ang COA at sinabing dapat ihulog sa hagdanan ang mga tauhan nito.

Facebook Comments