CHR, umapela sa administrasyong Marcos na wakasan na ang child labor sa bansa

Umapela ang Commission on Human Rights (CHR) sa administrasyong Marcos na tapusin na ang isyu ng child labor sa bansa.

Ayon sa CHR, kailangan nang wakasan ang child labor at dapat may mga gagawin ng mga hakbang ang susunod na administrasyon upang matugunan ito.

Bagama’t isang krimen, napakaraming bata pa rin ang napipilitang magtrabaho dahil sa matinding kahirapan at kawalan ng access sa edukasyon.


Dagdag pa ng CHR, dapat nag-aaral at naglalaro ang mga bata at hindi pinapasan sa kanila ang responsibilidad upang buhayin ang pamilya.

Noong 2020, humigit kumulang 872,000 kabataan ang dumaranas ng child labor kung saan nasa 47.4% sa kanila ay napapabilang sa agricultural sector.

Base sa datos ng Philippine Statistics Office o PSA, sa bawat 100 nagtatrabahong kabataan sa bansa, 12 sa kanila ay nagmula sa Hilagang Mindanao, 11 sa Bicol Region at siyam sa CALABARZON.

Facebook Comments