CHR , umapela sa mga mambabatas na pag-isipang mabuti bago isulong ang death penalty

Nanawagan ang Commission on Human Rights sa mga miyembro ng papasok  na 18th Congress  na ikunsidera ang kanilang posisyon sa pagpapabalik sa parusang kamatayan.

Ayon kay Atty. Jacqueline De Guia,tagapagsalita ng CHR, hands silang makipag diskusyon sa mga mambabatas para ipaliwanag na hindi  mabisa sa pagpigil ng krimen ang death penalty  .

Ani De Guia, bagamat naniniwala sila na may katapat na parusa ang bawat krimen, pero ang paghahanap ng hustisya ay hindi dapat nagpapahina sa karapatan sa buhay ng bawat indibidwal.


Nauna nang ipinahiwatig ng matunog na magiging House Speaker na si Marinduque 1st District Rep. Lord Allan Velasco na muli nilang pag aaralan ang panukalang  death penalty sa sandaling magbukas ang sesyon ng 18th Congress.

Sa Senado, isinusulong ng mga Davao boys ang death penalty para sa mga convicted drug traffickers  dahil wala nang takot ang sindikato ng droga sa pagpapakalat ng illegal drugs sa bansa.

Facebook Comments