CHR, walang planong sumama sa mga police operations kontra droga ng PNP

Manila, Philippines- Hindi sasama sa mga police operations na may kaugnayan sa war on drugs ng PNP ang mga taga Commission on Human Rights.

Ito ang nilinaw ni CHR Chair Chito Gascon, aniya ang pangunahing trabaho nila ay monitoring at watchdog institution lamang at independent mula sa executive branch.

Kapag sumama anya sila sa mga operasyon para na rin anya silang nagpasakop sa ehekutibo.


Papasok lamang anya sila kapag tapos na ang mga operasyon upang imbestigahan kung umabuso sa karapatang tao ang mga otoridad.

Hiling na lamang ni Gascon sa PNP na pagsuotin ng mga body camera ang mga pulis na sasabak sa mga operasyon.

Facebook Comments