CHRIST THE KING, GINUNITA SA PANGASINAN

Ginunita ng mga simbahan at deboto sa Pangasinan ang kapistahan ng Christ the King kahapon, November 23, 2025.

Nagsagawa ng mga misa ang iba’t ibang parokya, kabilang ang Minor Basilica of St. Dominic sa San Carlos City, na dinaluhan ng maraming deboto at residente.

Nagpatupad din ng pagsasara ng ilang kalsada ang mga lokal na pamahalaan sa Mangaldan at Urdaneta City upang bigyang-daan ang mga prusisyon at aktibidad kaugnay ng pagdiriwang.

Pinaigting rin ng mga awtoridad ang seguridad sa mga simbahan upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng publiko.

Ang Feast of Christ the King o Solemnity of Our Lord Jesus Christ, King of the Universe ay isang mahalagang pagdiriwang ng Simbahang Katolika bilang pagkilala kay HesuKristo bilang Hari ng sansinukob na naghahari sa pag-ibig, kapayapaan, at katarungan.

Facebook Comments