Christian “Agila” Natividad, itinalagang bagong Chairman ng Optical Media Board

96

Itinalaga bilang bagong Chairman ng Optical Media Board (OMB) si dating Malolos City Mayor Atty. Christian “Agila” Natividad.

Mismong si Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi ang pormal na nagpanumpa sa tungkulin kay “Agila”.

Ang OMB na nasa ilalim ng Office of the President ay siyang nagre- regulate ng pag-manufacture at importasyon ng mga optical media products.

Kabilang sa mga humawak ng naturang puwesto ay sina Edu Manzano, Ronnie Ricketts at Sen. Bong Revilla.

Si Natividad ay nakilala bilang hall of famer awardee bilang Most Outstanding City Mayor at consistent awardee sa Seal of Good Housekeeping at sa pagpapanatili ng peace and order.

Facebook Comments