
Manila, Philippines – Maituturing ngang maswerte para kay Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista ang 2019.
Bukod kasi sa masayang buhay bilang bagong mag-asawa sa model na si Kat Ramani, busy rin si Christian sa kanyang career.
Ilan sa mga ito ang kaliwa’t kanang concert tours sa loob at labas ng bansa, pag-gawa ng next album habang successful ang kanyang single na “ligaya”, ng Eraserheads na kanyang ni-revive matapos gamitin sa kanyang kasal.
Sa interview ng RMN Manila kay Christian, ikinuwento nito kung bakit ang nasabing kanta ang napili nilang mag-asawa na gamitin bilang wedding song.
Para sa mapanood ang kabuuang interview ng DZXL 558 kay Christian Bautista, I-click lang ang link na ito: https://www.facebook.com/RMNDZXL558Manila/videos/342655776340400/









