CHRISTMAS BAZAAR, MAGBUBUKAS NA SA BAYAN NG BINALONAN

Puno at kumpleto na ang Christmas Bazaar sa Binalonan, Pangasinan na nakatakdang mag-Grand Opening nitong Oktubre 11 ng 7 PM.

Sari-saring food stalls ang nakahanay sa bayan ng Binalonan at nakatakda nang magbukas sa nalalapit na Christmas.

Sasalubungin ang pagbubukas ng fireworks display at live performance kasama ang bandang Black Box.

Itinakda ng soft opening ng bazaar noong Setyembre 28.

Bukod sa food stalls, sari-saring kaganapan din ang naghihintay sa pagsalubong ng pasko sa bayan. Kagaya na lamang ng RC Crawler Competition at motor shows na gaganapin sa Oktubre 18.

Facebook Comments