Christmas Bonus ng mga Empleyado ng City Government ng Cauayan, Ibibigay na Bago Magpasko!

Cauayan City, Isabela – Ipinangako na ni Cauayan City Mayor Bernard Dy ang christmas bonus ng mga empleyado ng pamahalaang panlungsod ng Cauayan.

Sa ginanap na flag raising ay sinabi ni Mayor Dy na hindi lamang ang mga opisyal ng lungsod ang magiging masaya sa darating na kapaskuhan kundi lahat narin umano ng mga empleyado ng city government.

Iginiit pa ng punong lungsod na unang ibibigay ang Performance Enhancement Incentive (PEI) ng mga empleyado at ang karagdagang christmas bonus ay ibibigay bago sumapit ang pasko.


Aniya, maaring isasagad na niyang ibigay ang lahat ng bonus at iyon ay kanilang pag-uusapan ng City Budget Officer ng Cauayan upang mas masaya umano ang pasko at bagong taon ng mga city employees.

Facebook Comments