Manila, Philippines – Posibleng tuwing December 15 na ang maging pamantayan ng Department of Education (DepEd) sa Christmas break.
Sa interview ng RMN Manila sinabi ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan na magpupulong sila sa Biyernes para pag-usapan ang mas maagang paglalabas ng school calendar para sa mga susunod na pasukan.
Isa sa agenda ay ang pagdedeklara ng Christmas break tuwing December 15 para mabigyan ng mas mahabang panahon ang mga estudyante at guro na magdiwang ng Pasko kasama ang kanilang mga pamilya.
Bukod dito, ipinag-utos na rin ni DepEd Secretary Leonor Briones na magsagawa ng curriculum review para matiyak na sapat ang bilang ng school days sa mga aralin.
Ito ay para matiyak na maba-budget nang maayos ang minimum na 200 school days ng mga paaralan.
Samantala, sinuspendi na ng DepEd ang trabaho at pasok sa mga pampublikong paaralan mula kindergarten hanggang grade 12 sa January 2, 2019.