Umarangkada na ngayong weekend ang Christmas break ng mga mag-aaral mula sa mga pampublikong eskwelahan.
Ayon sa Department of Education (DepEd), nakasaad sa school calendar ng kasalukuyang academic year na ang Christmas break ay mula December 15 hanggang January 5, 2020.
Ang klase ay itutuloy sa unang Lunes ng susunod na taon o January 6.
Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones – binibigyan nila ang mga estudyante na mahabang oras para makasama ang kanilang pamilya ngayong holiday season.
Mabibigyan din ang mga estudyante ng oportunidad na makasama ang mga mahal sa buhay lalo na ang mga galing abroad.
Sa ilalim ng panuntunan ng DepEd, ang mga pribadong eskwelahan ay pinapayagang magkaroon ng sarili nilang school calendar basta naaayon sa minimum number ng contact days kada school year.