Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na magsisimula na ang Christmas Break para sa mga pampublikong paaralan sa susunod na linggo.
Batay sa adjusted school calendar para sa School Year (SY) 2020-2021, sinabi ng DepEd na ang huling araw ng klase para sa 1st Quarter o unang grading period ay sa Biyernes, December 11.
Magkakaroon ng In-Service Training (INSET) na gagawin sa December 14 hanggang 19, na isang learning at development activity para sa mga guro at school staff.
Sa INSET, magkakaroon ng seminars, workshops, conferences at iba pang kaugnay na aktibidad na makatutulong sa mga guro na mapalawak ang kanilang kaalaman at kakayahan.
Ang Christmas Break para sa public school ay mula December 19 hanggang January 3.
Magbabalik ang klase sa sumunod na araw, January 4.