Manila, Philippines – Bumaba na ang bilang ng mga nagpapadala ng holiday greetings sa pamamagitan ng snail mail.
Nabatid na noong dekada ’80 at ’90 ay umuulan ng Christmas cards at letters sa opisina ng PHLPost.
Sa datos ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) aabot sa isang bilyong piso na revenue ang ikinalugi nila mula 2006 hanggang 2011.
Ayon kay PHLPost Assistant Postmaster General for Marketing and Management Support Services Luis Carlos – napakalaki ng papel ng teknolohiya sa paghina ng postal administration sa bansa.
Sa ngayon, karamihan sa mga sulat na ipinapadala sa manila central post offices ay business letters.
Umaasa ng PHLPost na umangat muli ang paggamit ng snail mail.
Upang mahikayat muli ang publiko sa pagpapadala ng sulat sa pamamagitan ng PHLPost, nagsasagawa ang ahensya ng orientations sa mga eskwelahan.