Cauayan City, Isabela- Nagningning ang ‘Christmas Carnival’ centerpiece ng SM City Cauayan na layong ipadama sa bawat Pilipino ang tunay na diwa ng pasko kahit nasa ilalim tayo ng ‘new normal’ dahil sa pandemya.
Makukulay na disenyo ang isa sa nagbigay kahulugahan para ipagdiwang pa rin ng maraming Isabeleño ang pasko ngayong taon.
Ayon kay Sheila Marie Estabillo, Mall Manager, hamon para sa lahat ang taong 2020 dahil sa ilang krisis na kinaharap ng mundo subalit tradisyon na ng SM Supermalls ang maipadama sa lahat ang mainit na masayang kapaskuhan.
Aniya, prayoridad pa rin ng pamunuan ang pagsisigurong ligtas pa rin ang mga magtutungo sa mall sa harap ng krisis dahil sa pandemya.
Samantala, nagbigay rin ng mensahe si City Mayor Bernard Dy sa lahat na kahit banta ang pandemya ay kinakailangan pa ring maipagdiwang ang kapaskuhan para sa tunay na diwa nito.
Bukod dito, isa ang ‘Bear of Joy’ na taun-taong nagiging daan para makapagbigay ngiti sa mga grupo o indidwal na maipagdiwang pa rin ang pasko.
Ngayong taon, ilan sa halagang malilikom mula sa mga naibentang bear ay ipapamahagi sa mga frontliners ng Southern Isabela Medical Center (SIMC).
Nananatili pa rin sa pamunuan ng SM City Cauayan ang maging parte ng bawat Pilipino sa pagbibigay pag-asa at saya lalo na ngayong humaharap tayo sa pandemya.