Manila, Philippines – Sinimulan na ng Government Service Insurance System (GSIS) ang pamamahagi ng Christmas cash gift sa mga senior citizen at disabled pensioners noong Biyernes, December 1.
Kabuuang P2.7 million ang inilaang pondo rito ng ahensya para sa mga PWD at senior citizen na miyembro ng state pension fund.
Batay sa anunsyo ng GSIS, ang mga pensioner na tumanggap ng mahigit P10,000 Christmas cash gift noong 2016 ay tatanggap ng cash gift ngayong taon na katumabas ng kasalukuyang buwanang pensyon na hanggang P12,600.
Habang ang nakatanggap ng mas mababa sa sampung libo ay tatanggap ng hindi rin lalagpas sa P10,000 gayundin ang mga retirees na nag-avail ng five-year lump-sum retirement benefit at balik na sa regular monthly pension pagkalipas ng December 31, 2016.
Ang mga pensioner naman na nakatira sa abroad at mga nasa autonomous region in Muslim Mindanao na may suspended status hanggang December 31, 2017 ay makakatanggap ng cash gift basta mabalik sa active status sa April 30, 2018.