Christmas celebration sa Metro Manila, naging mapayapa – NCRPO

Manila, Philippines – Naging mapayapa ang pagdiriwang ng Pasko sa Metro Manila.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Guillermo Eleazar, sa loob ng sampung araw ay wala silang naitalang karahasan sa Metro Manila.

Bagaman may nangyaring pamamaril sa Caloocan na kinasangkutan ng isang pulis sinabi ni Eleazar na wala naman itong kinalaman sa pagdiriwang ng Pasko.


Pagtitiyak ni Eleazar, mahigpit na seguridad pa rin ang kanilang ipapatupad ngayong holiday season.

Facebook Comments