CHRISTMAS DECORATIONS SA DAGUPAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL, PINAILAWAN NA

Hindi nagpahuli sa kabilaang pailaw ngayong kapaskuhan ang Dagupan City National High School matapos ang opisyal na lighting ceremony noong Martes, Disyembre 16.

Kabilang sa programa ang pagsisindi ng Christmas tree at ng mga parol na inihanda ng mga mag-aaral, na sinundan ng fireworks display.

Ayon sa paaralan, ang aktibidad ay isinagawa sa tulong ng mga student leaders at volunteers na nanguna sa paghahanda at pagsasabuhay ng mga malikhaing konsepto.

Ipinakita rin sa nasabing okasyon ang pagsisindi ng iba’t ibang parol at ng mga silid-aralan na inayos bilang “Silid Paskohan”.

Dagdag dito, ang Lighting Ceremony ay nagsilbing pormal na pagdiriwang ng Pasko sa loob ng pamantasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments