CHRISTMAS DECORS NA GAWA SA RECYCLED MATERIALS, TAMPOK SA BASISTA

Tampok ngayong kapaskuhan sa Bayan ng Basista ang iba’t ibang Christmas decor na gawa mula sa recycled materials na ipinamalas ng Solid Waste Management Office (SWMO).

Sa pagpasok pa lamang sa kanilang tanggapan, kapansin-pansin ang mga dekorasyong pamasko na likha mula sa mga bagay na karaniwang itinatapon.

Gumamit sila ng mga basyong bote upang makabuo ng isang Christmas tree, lumang gulong para makalikha ng snowman, at iba’t ibang recyclable materials upang makagawa ng makukulay na Christmas lanterns.

Ayon sa SWMO, ang kanilang inisyatiba ay pagsulong ng wastong pamamahala ng basura at muling paggamit ng mga materyales na maaari pang mapakinabangan.

Bukod sa nakatutulong sa kapaligiran, malaki rin umano ang natitipid sa paggawa ng dekorasyon gamit ang recycled materials.

Patuloy naman nilang hinihikayat ang publiko na maging bahagi ng adbokasiya sa pamamagitan ng pagsunod sa tamang waste segregation at aktibong pakikilahok sa mga programa ng bayan kaugnay ng solid waste management.

Facebook Comments