Christmas ham, hindi mawawala sa kapaskuhan, pero magmamahal ang presyo ayon sa NMIS

Hindi mawawala sa hapag-kainan ng bawat Pilipino ang Christmas ham sa gitna ng kakapusan ng suplay ng karneng baboy.

Sa virtual presser sa Department of Agriculture (DA), sinabi ni National Meat Inspection Service Director Reildrin Morales, na hindi mawawala ang pork ham na isang noche buena items dahil mayroon pang karneng baboy na makokonsumo sa panahon ng kapaskuhan.

Ang mga pork supply na ito ay ligtas sa African Swine Fever (ASF) at maaaring gawing pork ham.


Sa ngayon, ay may mahigit 220 million kilogram na suplay ng local pork meat na nakapreserba sa mga storage facilities ng mga malalaking katayan.

Maliban pa sa mahigit 80 million kilograms ng imported pork meat products.

Gayunman, hindi inaalis ni Morales na mararamdaman ang pagmahal ng presyo ng Christmas ham dahil sa sitwasyong dulot ng ASF.

Idinagdag pa ni Morales na marami pang supply ng ibang klase ng karne na maaaring makonsumo ng publiko katulad ng karne ng baka, kambing at mga poultry products.

Facebook Comments