Tuwing darating ang kapaskuhan, hindi kumpleto ang meryenda pagkatapos ng simbang gabi, kung walang taho, o kaya bibingka at puto bumbong na kapares ng kape.
Pero paano kung ang mga Pinoy delicacies na ito ay maging flavor ng favorite coffee mo? Aba, teh – hihindi ka ba pa sa latte?
Patok na patok ngayon sa mga coffee lovers ang Christmas latte flavors ng isang coffee shop dito sa Pangasinan – ang 92 // 94, kung saan ang bibingka, puto bumbong at taho ay naisipan nilang gawing flavor ng kanilang latte tuwing sasapit ang Christmas season.
Ayon kay Jomari, ang head barista ng cafe, ang ideyang ito inspired ng tradisyunal na simbang gabi tuwing nalalapit ang kapaskuhan.
Hindi naman sila nabigo dahil ang kanilang mga costumers ay 100% satisfied sa lasa na may Pinoy delicacy twist!
Samantala, available lamang ang Christmas latte na ito tuwing “Ber” months, kaya sa mga nais matikman ito, huwag na magpahuli at bisitahin na ang mga branches ng 92 // 94 coffee shop sa Mangaldan at Dagupan City.









