CHRISTMAS LIGHTING WITH A PURPOSE, TAMPOK SA ISANG MALL SA DAGUPAN

Puno ng saya, liwanag, at kabutihan ang naging pagbubukas ng Christmas season sa SM Center Dagupan noong Biyernes, sa temang “Red Ribbons”.

Sa ginanap na Christmas Tree Lighting Ceremony, sabay-sabay na nagningning ang mga pulang ribbon at gintong ilaw bilang simbolo ng pag-ibig at pagkakaisa ng komunidad.

Ngunit higit pa sa makukulay na dekorasyon, tampok ngayong taon ang Besties of Joy, isang programang may layuning maghatid ng kasiyahan at kabutihan sa mga batang nangangailangan.

Sa halagang ₱330, maaaring makabili ang mga mamimili ng isa sa apat na stuffed toys: sina Rumi, Nana, Tala, at Hannie, na bumubuo sa Besties of Joy Squad.

Sa bawat laruan na mabibili, isang bata rin ang makatatanggap ng kaparehong stuffed toy sa ilalim ng kampanyang Buy One, Donate One ng #SMBestiesOfJoy2025.

Tatagal ang nasabing proyekto mula Oktubre 25 hanggang Disyembre 25, 2025, na layuning maipadama sa mga bata ang tunay na diwa ng Pasko.

Ayon kay SM Center Dagupan Mall Manager Eileen Delos Santos, ang temang Red Ribbons ay sumisimbolo sa mga ugnayang nagbibigkis sa komunidad tuwing Pasko.

Hinikayat din niya ang lahat na suportahan ang adbokasiya ng mall na maipadama sa bawat isa ang pagmamahalan at pagkakaisa ngayong kapaskuhan.

Kasabay ng tree lighting countdown, tampok din sa programa ang mga live performances, carol singing, at photo ops na nagbigay sigla sa mga Dagupeño, hudyat ng opisyal na pagsisimula ng kapaskuhan sa lungsod.

Facebook Comments