Christmas Lights sa Cauayan, Pinailaw Na

Cauayan City, Isabela – Pinailaw na ang Christmas lights decoration ng Cauayan City.

Ang ginawang pagpapailaw ay dalawang araw na pinaaga kaysa sa itinakdang schedule nito sa Huebes, Disyembre 7, 2017.

Mismong si Mayor Bernard Faustino Dy ang nanguna sa naturang aktibidad kasama sina Bise Mayor Leoncio Dalin at mga city councilors.


Kasama din ang mga ilang department heads sa mga sumaksi sa naturang aktibidad.

Sa ulat ng ni DJ Michael Angelo “DJ Mike” Dalupang ng RMN affiliate station DWND ay may mga ilang NGO’s din na dumalo gaya ng Jaycees at JCI. Bagamat umaambon ay may mga mamamayan din na sumaksi at natuwa sa maningning na ilaw sa harap ng city hall.

Dagdag pa sa ulat na many mangyayaring pang programa sa Disyembre 7, 2017 na siya sanang nakatakdang schedule ng pagpapailaw.

Ang Cauayan City Hall ay madalas na pasyalan ng mga Cauayeño na tiyak na dadagsain pa ngayong pasko dahil sa mas maliwanang nitong paligid.

Samantala, kabilang din sa mga itinakdang aktibidad ng pamahalaang panglungsod ngayong pasko ay ang The Voice City of Cauayan Grand Finals, pamimigay regalo sa mga less fortunate at ang pag-sponsor ng misa City Cathedral na Our Lady of Pilar Parish Church.

Facebook Comments