CHRISTMAS LIGHTS SA MGA PAMILIHAN, ININSPEKSYON NG DTI LA UNION

Sinuri ng Department of Trade and Industry (DTI) La Union ang mga ibinebentang Christmas lights sa 20 tindahan sa San Fernando City bilang bahagi ng pagtiyak sa pagsunod sa Department Administrative Order No. 2 at Fair Trade Laws.

Tiningnan ng DTI ang pagkakaroon ng Philippine Standard (PS) mark o Import Commodity Clearance (ICC) sticker, gayundin ang posibleng depekto tulad ng sirang chords at hindi ligtas na plug.

Lumabas sa inspeksyon na lahat ng 20 establisimyento ay sumusunod sa itinakdang pamantayan.

Hinimok naman ng DTI La Union ang publiko na bumili lamang ng certified Christmas lights at ireport ang anumang mapanganib na produkto upang masiguro ang ligtas na pagdiriwang ngayong kapaskuhan.

Facebook Comments