Christmas message ni VP Sara, taliwas sa asal ng bise presidente —Malacañang

Iginiit ng Malacañang na malayo sa tunay na asal at ginagawa ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang Christmas message ngayong Pasko.

Ito ang pahayag ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro matapos sabihin ni VP Sara na hindi niya babatiin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Kapaskuhan.

Sa Christmas message ng bise presidente, binanggit nito na ang pusong nagpapasalamat ay marunong magbigay, magmahal, at magpatawad.

Pero ayon kay Castro, hindi ito tumutugma sa mga kilos at pahayag ni Duterte, lalo na kapag wala itong sinusundang script.

Maganda man aniya ang mensahe, hindi raw ito nasasalamin sa aktuwal na asal ng bise presidente.

Matatandaang sa isang press conference sa Davao City nitong Huwebes, tinanong si Duterte kung may mensahe siya para kay Pangulong Marcos.

Pero wala raw itong mensahe dahil wala raw magbabago sa ugali ng presidente kahit Pasko o hindi, at ganoon din umano siya.

Facebook Comments