Christmas parties sa mga tanggapan ng pamahalaan, LGUs at mga barangay sa Surigao del Sur, kinansela ng provincial government

Wala nang Christmas parties ang lahat ng mga ahensya ng pamahalaan at lokal na pamahalaan hanggang sa barangay level sa Surigao del Sur.

Ito ang inihayag ni Surigao del Sur Governor Alexander Pimentel.

Sa programang Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Pimentel na mas maiging i-donate na lamang ng mga ahensiya at Local Government Units at mga barangay ang gagastusin nila sa Christmas party sa mga biktima ng lindol.


Ayon pa kay Pimentel na nagsasagawa sila ng pagsusuri sa lahat ng mga gusali sa lalawigan kasama ang kanilang mga engineer para mataya ang structural integrity ng mga ito.

Mayroon aniyang dalawang gusali sa lalawigan ang nag-collapse dahil sa malakas na lindol.

Sa kasalukuyan aniya ay mahigit 500 aftershocks na ang kanilang naitatala.

Kaya idineklara munang walang pasok sa mga eskwelahan para sa ginagawang pagsusuri sa mga gusali at paaralan.

Kahapon ay una nang idineklara ang state of calamity sa buong Surigao del Sur.

Facebook Comments