Pabagal ng pabagal ang inaasahang usad ng daloy ng mga sasakyan sa EDSA.
Sa pag-aaral ng MMDA naitala ang 19.54 kph noong January 8, 2018 habang 16.14 kph noong November 22, 2018 at nito lamang nakalipas na December 13 naitala ang 14.80 kph.
Ayon kay MMDA Spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago sa Biyernes inaasahan ang mala usad pagong na daloy ng trapiko sa EDSA dahil sa Christmas rush.
Sa tantya ng MMDA posible itong pumalo sa napakabagal na usad na 12 kph.
Marami kasi ang magsisipag uwian sa mga probinsya sa Biyernes habang ang ilang taga probinsya ay dadating naman sa Metro Manila upang dito magdiwang ng Pasko.
Asahan na ayon sa MMDA ang mala ‘Carmageddon’ na scenario sa Biyernes kung kaya at magbaon ng sangkatutak ng pasensya.
Kasunod nito, magpapakalat ng sapat na tauhan ang MMDA upang umasiste sa inaasahang mala usad pagong na daloy ng trapiko pagsapit ng Biyernes.