CHRISTMAS RUSH | Mas paglala ng trapiko, asahan na

Manila, Philippines – Asahan pa ang paglala ng trapiko sa Metro Manila at iba pang urban areas sa bansa ngayong linggo bulang paghahanda sa nalalapit na Pasko.

Batay sa datos ng community-based traffic navigation application na WAZE, ang pinakamalalang oras ng trapiko ay mula alas-kwatro ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi.

Pinakamalalang araw naman para mag-drive sa mga kalsada ay Biyernes.


Inaasahang mas malala ang trapiko sa December 22 at 23 kung saan pinakarurok ng Christmas rush.

Bukod dito, malubha ring mag-drive sa Linggo (December 24), bisperas ng Pasko mula alas-2:00 hanggang alas-4:00 ng hapon.

Sa January 2, inaasahan din ang palala ng trapiko dahil sa mga babalik ng galing bakasyon at probinsya.

Bukod sa Metro Manila, ganito rin ang aasahan sa Naga, Angeles, Bacolod, Batangas, Iligan, Iloilo City, Cagayan De Oro, Davao City, General Santos at Zamboanga City.

Facebook Comments