Ramdam na ramdam ang Christmas rush sa lungsod ng Dagupan sa bisperas ng Pasko, kung saan dagsa ang mga mamimili sa baratilyo upang bumili ng mga panregalo at iba pang pangangailangan para kapaskuhan.
Ayon sa ilang mamimili, ngayon lamang sila nakapamili dahil ngayon lang din nila tinanggap ang kanilang mga bonus.
Sa baratilyo, makikita ang samu’t saring panregalo tulad ng mga laruan, damit, gift wrappers, at ampao na tinangkilik ng mga mamimili.
Samantala, mabenta rin ang mga damit pambata na naging pangunahing binibili ng maraming magulang. Umaasa naman ang ilang vendors na makabawi mula sa kanilang puhunan ngayong pinalakas ng Pasko ang bentahan.
Bukod dito, siniguro rin ng pulisya ang presensya nila upang magbigay ng seguridad sa kabila ng bulto ng tao sa lugar.
Inaasahan pang dadagsain ang baratilyo hanggang matapos ang taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨