Amerika – Nasawi ang isang ina at dalawa nitong anak sa nangyaring Christmas shooting incident sa isang apartment complex sa Phoenix.
Ayon sa awtoridad, itinuturing itong bilang bahagi ng domestic violence.
Anim na oras na nagkaroon ng stand-off bago nagkapalitan ng putok ang suspek at ang mga pulis.
Agad namang naaresto ang suspek na nasa kustodiya na ng Phoenix Police Department.
Inaalam na rin ng mga otoridad ang motibo ng suspek dahil lumalabas na siya ang ama ng mga pinaslang nitong bata.
Facebook Comments