CHRISTMAS SPEECH | Pope Francis, tiniyak na tutugunan ang mga reklamo laban sa mga pari na nang-abuso

Hindi pagtatakpan ang mga pang-aabuso ng simbahan.

Ito ang nilalaman ng talumpati ni Pope Francis para sa kaniyang Christmas speech na isinagawa sa Vatican.

Ayon sa Santo Papa, kung nabigo man ang ibang liderato ng simbahan na tugunan ang mga reklamo, tinitiyak nito na wala ng kaso na may kaugnayan sa pang-aabuso ng mga pari, ang maibabasura o maisasantabi.


Kaugnay nito, hinihimok ng Santo Papa ang mga pari na nakagawa ng pangmo-molestya na magkusang loob na sumuko at umamin ng kasalanan.

Nagbabala rin ito sa mga nang-aabuso na matakot sa hustiya, lalong-lalo na sa Diyos.

Facebook Comments