Christmas tree lighting, pinangunahan ni Mayor Isko Moreno

Pinangunahan ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno ang Christmas Tree Lighting sa Kartilya ng Katipunan na tabi lamang ng Manila City Hall.

Bukod sa Giant Christmas Tree Lighting, kasabay rin isinagawa ang pagpapailaw sa Rizal Monument, Intramuros, National Museum, Manila Post Office at Metropolitan Theatre.

Sa pahayag ni Mayor Isko, ang aktibidad na kanilang ginawa ay mananatiling simbolo ng pag-asa at pagbibigay ng inspirasyon sa bawat isa sa kabila pandemya para ituloy ang takbo ng buhay.


Ayon kay Yorme, ganitong panahon din nang buksan ang Christmas Tree noong nakaraang taon kung saan kasagsagan ng pandemya at marami ang nasawi dahil sa COVID-19.

Maraming dinaranas na hirap ng buhay ng mga Manilenyo, bagay na hindi susukuan ng bawat isa tulad nang paulit ulit niyang sinasabi.

Paalala rin ng alkalde na bagama’t ipinagdiriwang ang diwa ng Kapaskuhan at nag-eenjoy sa pagsa-shopping ay dapat pa rin aniyang tandaan at isaisip ang pagsunod sa health protocols dahil hindi pa rin nawawala ang COVID-19.

Facebook Comments