Christmas Tree lighting sa harapan ng bagong city hall ng San Jose Del Monte Bulacan, pinangunahan ng mag-asawang Robes

Naging makulay ang buong paligid ng City Hall  kung saan ramdam na talaga  ang Diwa ng Kapaskuhan sa San Jose Del Monte City sa lalawigan ng Bulacan makaraang lumiwanag ang buong paligid ng naturang Munisipyo

Kasunod ito ng isinagawa kahapon ng gabi makaraang  ng  Christmas Tree lighting sa harap mismo ng Bagong City Hall ng San Jose Del Monte Bulacan

Pinangunahan mismo ang naturang okasyon ni  Mayor Arthur Robes at kasama  kanyang butihing maybahay na si Congresswoman Rida Robes ng  pailawan ng mag-asawa ang dambuhalang Christmas Tree.


Ayon sa mag-asawang Robes, hudyat ang pagpapailaw ng higanteng  Christmas tree ng opisyal na pagsisimula ng Diwa ng Kapaskuhan  saan mang sulok ng lungsod kung saan ang bawat isa ay nagbmamahalan, nagbibigayan at nagtutulungan sa isat isa.

Pinailawan ang higanteng Christmas tree pasado alas sais ng gabi kahapon na sinaksihan ng libu-libong residente ng san Jose Del Monte City Bulacan kung saan isa sa mga panauhing pandangal sa naturang okasyon ay ang magkasintahan na sina Actress na si  Kyline Alcantara at Kobe Paras  kung saan naghiyawan ang mga nanonood  ng lumabas ang dalawang magkasintahan

Facebook Comments