
Kinumpirma ng Philippine Consulate sa Hong Kong na hindi matutuloy ang Christmas vacation sa Pilipinas ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na naapektuhan ng sunog sa residential complex sa Tai Po, Hong Kong.
Ito ay matapos na maiwan at masunog ang kanilang passport sa kanilang paglikas nang lumalaki na ang apoy sa gusali.
Tiniyak naman ng Konsulada ng Pilipinas na ginagawan na nila ng paraan para mapabilis ang pag-iisyu ng bagong passport sa Pinoy workers.
Sa kabuuan, 62 OFWs ang naapektuhan ng sunog.
Nananatili naman sa intensive care unit ang nasugatang OFWs bagamat siya ay ligtas na.
Facebook Comments









