CHRISTMAS VILLAGE NA PWEDENG BISITAHIN SA UMAGA AT GABI, DINARAYO SA CALASIAO

Dinadagsa ngayon ng mga residente at turista ang bagong bukas na Christmas Village sa bayan ng Calasiao, na tampok ang makukulay nitong dekorasyong kumikinang mula umaga hanggang gabi.

Agaw-pansin sa atraksyon ang giant Christmas tree, Paseo de Belén, giant angel, giant heart, makukulay na light tunnels, at mga spiral installations na kinagigiliwan ng mga bata at matatanda.

Bukod sa mga dekorasyon, patok din ang iba’t ibang food stalls na nag-aalok ng samu’t saring pagkain para sa mas masayang family bonding. Hindi rin nawawala ang tanyag na Calasiao puto at iba pang pasalubong na paboritong bilhin ng mga bumibisita.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng pagtatayo ng Christmas Village na magsilbing “Ilaw ng Pagkakaisa at Ilaw ng Pag-asa” ngayong taon upang maghatid ng inspirasyon at positibong damdamin sa mga Calasiaoeño at mga bisitang dadayo sa bayan.

Patuloy na inaanyayahan ng LGU ang publiko na bisitahin ang Christmas Village, na ngayon ay isa sa mga pangunahing destinasyon para sa masayang Christmas vibes ngayong kapaskuhan.

Facebook Comments