Christopher de Leon, negatibo na sa COVID-19

427
PHOTO COURTESY: ABS-CBN

Nagnegatibo na sa novel coronavirus disease ang beteranong aktor na si Christopher de Leon, matapos tamaan ng sakit noong Marso.

Kinumpirma ito ng maybahay niyang si Sandy Andolong sa Instagram nitong Linggo.


“At last the long wait is over! All praise [and] glory to God!” saad niya sa litrato ng COVID-19 test result ng aktor noong Abril 7.

Instagram/@sandy_andong_de_leon via FashionPulis

Sa isang video message na inilabas ng “Kapuso Showbiz News”, pinasalamatan ni De Leon ang staff ng The Medical City sa Pasig, kung saan siya na-confine at nagpagaling sa sakit.

“Nagpapasalamat ako sa mga frontliners, sa lahat na pinapakita niyong tapang, dedication sa inyong sinumpaan to save lives,” sabi ng aktor.

“Sa inyong kabayanihan, maraming salamat po. Lahat ng mga doktor, all the doctors, nurses, staff at mga nagdi-disinfect ng mga areas, salamat po,” dagdag niya.




Facebook Comments