Ciara Sotto, open nang pag-usapan ang kanyang lovelife

57

Manila, Philippines – Unti-unting nang nagiging open si Ciara Sotto sa lovelife nito sa non-showbiz boyfriend na nagngangalang Austin.

Nito lamang nagdaang pasko ay nagpost si Ciara sa kanyang instagram story na nami-miss niya ang nobyo na wala sa Pilipinas.

Nag-post si Ciara ng litrato ni Austin kasama ang isang sweet message niya para sa nobyo.

Noong December 30, nagpahiwatig din si Ciara kung gaano siya kasaya mula nang dumating si Austin sa kanyang buhay.

January 2016 nang i-anunsyo ni Ciara na hiwalay na siya sa kanyang asawang si Joe Oconor, at bumalik na siya sa poder ng mga magulang na sina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa.

Noong May 2018 naiulat na nasa proseso na ng annulment ang marriage ni Ciara at ng estranged husband niyang si Joe.

Facebook Comments