
Nagbabala ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa mga small & medium enterprises na panibagong target ng mga cybercriminals na gumagamit ng deepfake cloning ng mga negosyante.
Ayon sa CICC, gumagamit na ng AI ang mga kriminal para mag-“clone” ng boses at mukha ng mga may-ari ng negosyo para ma-scam ang mga empleyado maging ng kanilang mga kliyente na magbigay ng sensitive data o mag-transfer ng pera.
Ayon sa CICC, ang simpleng phishing ay naging deepfake impersonation na sa ngayon.
Dahil dito, apela ng CICC sa publiko na maaring nabiktima na ng deepfake cloning sa kanilang negosyo na maaaring kumontak at magreport sa CICC hotline 1326 o kaya naman ay sa scamsafe para sa mas detalyadong pagsusumbong.
Batay sa 2024 report ng Philippine Statistics Authority, hindi bababa sa 1,241,476 na negosyo ang naregistro sa pilipinas noong 2024 at karamihan sa nga ito ay micro enterprises.










