CICC, hinikayat ang publiko na gamitin ang eGov app ng DICT para mag-report ng text scams

Hinimok ngayon ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang publiko na gamitin ang eGov app ng Department of Information and Communications Technology o DICT para mag-report ng mga natatanggap na text scams.

Ayon kay CICC Executive Director Usec. Alexander Ramos, bukod sa pagtawag sa Inter-Agency Response Center o I-ARC Hotline 1326 ay maaari ring magsumbong ang mga nabibiktima ng text scams sa eReport feature na makikita sa eGov app.

Dito maaring i-upload ang screenshot ng natanggap na scam message kung saan ang mga natatanggap na datos naman ng eGov app ay isinasailalim sa imbestigasyon ng CICC at pinapadala sa National Telecommunications Commission o NTC.


Bukod sa text scams, pwedeng mag-report sa naturang app ang mga insidente ng child abuse, red tape, sunog, atbp.

Facebook Comments