CICC, naglunsad ng tatlong flagship cyber courses para sa mga kababaihan kasabay ng selebrasyon ng International Women’s Day at National Women’s Month

Naglunsad ang Cybercrime Investigating and Coordinating Center (CICC) ng tatlong flagship cyber courses para sa mga kababaihan.

Kasunod nito, pormal na nakikipagtulungan na rin ang CICC sa National Council of Women of the Philippines (NCWP) para sa nasabing programa.

Ayon sa Cybercrime Investigating and Coordinating Center (CICC) layon ng naturang programa na palakasin at hikayatin ang mga kababaihang Pinay na nais pang matutunan at madagdagan ang kanilang kaalaman sa larangan ng information technology (IT) at cybersecurity.


Ito rin umano ang magiging unang batch para sa mga kanilang sasanayin sa industriyang lalaki lamang ang kalimitang gumagawa.

Samantala, inaasahan naman na marami ang lalahok na mga kababaihan sa naturang programa at alok na training kasunog ng pagtitiyak na mabigyan ng pagkilala ang mga babae ngayong International Women’s Day.

Facebook Comments