CICC, nakatakdang bumili ng mga kagamitan laban sa financial technology hacking

Nakatakdang bumili ng kagamitan ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) upang mas mapalakas pa ang kampanya at labanan ang krimen online.

Ayon kay CICC Deputy Executive Director Assistant Secretary Mary Rose Magsaysay, ang mga nasabing kagamitan ay para sa pagsugpo sa financial technology hacking at dahil sa paglaganap ng kriminalidad sa bansa.

Aniya, inaasahan na sa mga bagong kagamitan at pasilidad na ito ay mas bibilis na ang pagsugpo o pagpapahinto sa mga hackers at made-detect na nila kung nasaan ang point of origin nito.


Samantala, pagtitiyak naman ni Magsaysay na patuloy ang kanilang ginagawang paghuli sa mga krimen na nangyayari online at ang paghuli sa mga hackers na talamak sa iba’t ibang social media platforms.

Facebook Comments