CICC, pinapa-take down na sa araw na ito ang mga social media post ng mga influencer na nag-eendorso ng illegal online gaming

Binigyan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na hanggang ngayong araw na lang ang ang mga online influencer at content creator na burahin ang anumang post nila na nagpo-promote ng ilegal na online gambling sites.

Ang ultimatum ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng CICC, katuwang ang Digital Pinoys, laban sa lumalawak na operasyon ng ilegal na sugal online sa bansa.

Ayon kay Asec. Aboy Paraiso, CICC Deputy Executive Director, sa ngayon may 20 malalaking influencers na ang kanilang tinututukan na nag-eendorso ng illegal online gaming.

May ibang content umano ang mga influencer na ito pero pagdating sa gitna ng vlogging, bigla nilang isisingit ang link ng mga illegal na online gaming.

Padadalhan nila ng sulat ang mga influencer sa susunod na linggo saka sila magsasampa ng reklamo sa mga hindi makakatugon.

Nanawagan naman si Ronald Gustilo, Digital Pinoys Campaigner sa mga influencer na ihinto na ang pag-e- endorso ng illegal online gambling.

Aniya, iba’t ibang krimen na kasi ang sumulpot sa naturang online activities gaya ng phishing at pagkawala ng pera ng mga mananaya sa pamamagitan ng manipulasyon sa resulta ng laro.

Facebook Comments