
Aalisin na ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang access ban sa AI chatbox na Grok AI .
Kasunod ito ng naging kasunduan ng CICC sa developer na xAI.
Ayon kay CICC Usec. Renato “Aboy” Paraiso, pumayag silang i-lift na ang ban kasunod ng pangakong ng xAI na babaguhin ang kanilang platform para makasunod sa mga regulasyon sa Pilipinas.
Magugunita na maliban sa Pilipinas, may ilang bansa na rin ang nag-block sa Grok.
Kabilang dito ang Malaysia at Indonesia dahil sa paglabag umano nito sa online safety, child protection, at human rights standards.
Facebook Comments










