CIDG Chief Major General Nicolas Torre III, itinalagang bagong PNP Chief ni PBBM

Inanunsyo ni Executive Secretary Lucas Bersamin na nagtalaga na ng bagong susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ay si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Police Maj. Gen. Nicolas Torre III.

Papalitan ni Torre si PNP Chief Rommel Francisco Marbil na matatapos na ang termino sa June 7.

Gaganapin ang turnover command ng Pambansang Pulisya sa June 2.

Samantala, inanunsyo rin ni Bersamin na tinanggap na rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang courtesy resignation ng mga sumusunod na gabinete:
– Solicitor General Menardo Guevarra, na pinalitan ni Atty. Darlene Berberabe
– CHED Chairman Prospero De Vera III, na papalitan naman ni CHED Commissioner Shirley Agrupis

Ayon kay Bersamin, naipaabot na sa mga gabinete inalis sa pwesto ang naging desisyon ng pangulo, at tiniyak din ng Palasyo na ito ay nakabatay sa masusing pagsusuri sa kanilang perfomance.

Facebook Comments